top of page

“APAS”: Laging NAKUKUNAN at Pagbara sa Ugat


(Mag-comment po kung mayroon kayong ganitong sakit. Laging nalaglag ang bata sa sinapupunan.)

Ang APAS o Anti-Phospholipid Antibody Syndrome ay isang sakit kung saan posibleng magbara ang mga ugat ng pasyente.

Dahil sa Anti-Phospholipid Antibody sa dugo, mas “malapot” ang dugo kaya posibleng magbara. Nagkamali ang immune system ng katawan at nilalabanan ang sariling protina sa dugo. Minsan, may kasamang sakit tulad ng SLE o Systemic Lupus Erythematosus.

Ang sintomas ng APAS ay masakit na pasa sa katawan (purpura), pagmanas at pagbara ng ugat sa binti at pagsusugat ng kamay o paa. Minsan, may nagbabara din sa baga (pulmonary embolism), sa puso (heart attack) at sa utak (stroke).

Mahirap mabuntis ang may APAS at kadalasan ay nalalaglag ang bata sa sinapupunan. Para malaman kung may APAS, may blood tests na ginagawa.

Kung may dating stroke, atake sa puso at pagbabara sa ugat, binigyan ang pasyente ng pampalabnaw ng dugo tulad ng warfarin at aspirin. Kumonsulta muna sa doktor at huwag agad iinom nitong mga gamot.

Tips sa Pasyente:

1. Kung may balak magbuntis, kumonsulta muna sa isang OB-Gyne para masuri muna kayo. Puwedeng lumala ang sakit kapag nag-buntis ang babae.

2. Huwag uminom ng contraceptive pills at huwag din manigarilyo, dahil puwede itong magpalapot ng dugo.

3. Maging healthy sa pagkain. Huwag kumain ng mamantika at matataba dahil nakakataas ito ng cholesterol. Ang maaalat ay nagdudulot din ng high blood pressure.

4. Kumain ng gulay, prutas at isda. Umiwas sa mga karne at maaalat.

5. Mas damihan ang pagkain ng bawang, sibuyas at green peas, dahil posibleng makalabnaw ito ng dugo.

6. Magpapayat kung kayo ay overweight.

7. Mag-ingat sa sports at pisikal na gawain, dahil mas madaling magpasa ang iyong balat.

8. Mag-ehersisyo ng regular para gumanda ang daloy ng dugo sa katawan.

uminum ng Green Barley meron itong ENZYMES na malaki ang maitutulong sa immune system ng tao,,


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Wix Facebook page
  • Instagram Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Twitter Classic
bottom of page