top of page

Ano nga ba ang wastong nutrisyon?


Marami sa ating mga Pilipino ang naniniwala kung gaano kahalaga ang nutrisyon sa ating kalusugan ngunit naiintindihan nga ba talaga natin ang ibig nitong sabihin? Masasabi mo ba sa sarili mo na “malusog ako, makakaya kong gawin ang kahit ano” o kaya naman ay “masaya ako sa pangangatawan ko”? ang wastong nutrisyon ay ang tanging paraan upang ang mga ito ay ating makamtan.

Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. Ang sustansyang makukuha ay siyang gagamitin ng ating katawan upang tayo ay maging malusog, malayo sa sakit, na sa tamang timbang, at higit sa lahat nabubuhay ng masaya at masagana. ang hindi pagsunod sa wastong nutrisyon ay siyang magiging sanhi ng malnutrisyon.

Maraming klasi ng malnutrisyon, ito ay ang mga epekto ng mali sukat at uri ng pagkaing kinakain ito ay mula sa salitang “mal” ibig sabihin ay mali at “nutrition” ibig sabihin ay sustansya mula sa pagkain, sa madaling salita ito ay ang kabalikataran ng wastong nutrisyon. Ang mga nangunguna sa mga ito ay ang pagiging mapayat dahil sa kakulangan sa pagkain, kulang sa bitamina at mineral dahil sa pagkain ng paulit-ulit ng isang pagkain na siyang dahilan kaya hindi na kumakain ng ibang pagkain, at ang umaapekto sa mga nakararami ay ang pagiging mataba na siyang resulta ng pagkain ng sobra sobrang pagkain. Lahat ng ito ay may masamang epekto sa katawan kaya dapat nating iwasan. Lagging isipin ang wastong nutrisyo ay may malaking epekto sa kalusogan at siyang susi sa kaunlaran.

Ang pagiging payat ay maaring maging dahilan upang ang isang tao ay maging sakitin at madaling namamatay itoy ay dahil sa pagbagsak ng depensa ng kanyang katawan laban sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit. Kung ang tao ay kumakain ng sapat para sa kanya taas at edad siya ay magiging malusog, malayo sa sakit, at magkakaruon ng kompyasan sa sarili na siyang magpapagaan ng kanyang buhay.

Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na anyo, ang taong hindi nakakakuha ng sapat na bitamina A ay maaring mabulag at magkaruon ng komplekasyon sa kanyang balat. Ito ay ilan lamag sa kumplikasyon dahil sa kakulangan ng bitamina A na siya isa ring resulta ng mal nutritisyon o kaya ay an gang hindi pagkain ng sapat.

Ang kakulangan naman sa mineral tulad ng iodine ay siyang sanhi ng paglaki ng “thyroid gland” sa liig na tinatawag na goiter. Ang kakulangan naman sa mineral na Iro o yero ang siyang dahilan ng paghina ng katawan, pamumutla at kakulangan sa hangin sa katawan. Ang mga mineral ay mga kanya kanyang trabaho saluob ng katwan kaya dapat nating makuha sa tamang dami sa pamamagitan ng pagkain ng tama at sapat.

Kung ang kakulangan sa pagkain ay nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng sobra ay hindi rin nakakabuti. Ang pagiging mataba ay ang madalas na dahilan kaya nagkakadyabetes, altapresyon, at kung anu-anong komplekasyon sa isang tao kaya dapat ring iwasan. Ito an gang epekto ng hindi pagkain ng tama hindi pagsunod sa wastong nutrisyon, o kaya ay ang pagkain ng sobra sobra sa kinakailangan ng katawan.

Upang ang mga ito ay maiwasan kinakailangan nating kumain ng tama at sapat ng makuha lahat ng kinakailangang sustansya, kumain ng prutas at gulay tatlo hangang limang beses sa isang araw upang maiwasan ang mga sakit sa bituka, uminom ng gatas para tumibay ang ating mga buto, at mag ehersisyo tatlongpung minuto araw-araw para maging malakas at masigla ang ating pangangatawan. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na kailangan nating malaman tungkol sa wastong nutrisyon, mga simpleng bagay na kahit gaano ka simple ay palaging nalilimutan.

Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Ayong sa sekulo ng nutrisyon at pag unlad kapag an gang bata ay malnoris ito ay magiging dahilan ng kanyang pagbagsak sa kahirapan, kung lahat ng tao ay malusog ang sikulo ay magiging baliktad, ang batang malusog ay makapasok sa paaralan ay matututo ng maraming aral, kapag siya ay makapagtapus ay makakita ng magandang trabaho, kapag may magandang trabaho siya ay makabili ng sapat na pagkain, kapag sapag ang pagkain siya ang magkakaruon ng mga malusog na anak, at kapag mas lalong umikot ang sekulo ay siyang pagulad ng bansa.

Kaya dapat nating tandaan ang wastong nutrisyon ay hindi lamang umaapekto sa ating sariling kalusogan ito ay umaapekto rin sa kalusogan n gating mga anak at ng hiong pamilya. Ang wastong nutrisyon ay kinakailangan rin upang tayo ay makapag trabaho ng maayos at nakakapagisip ng tama para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamgitan ng wastong nutrisyon tinutulongan natin hindi lang an gating mga sarili kundi ang buong bansa.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Wix Facebook page
  • Instagram Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Twitter Classic
bottom of page