top of page

Hemophilia

DAHIL sa laki ng gagastusin ng isang pasyente na may sakit na hemophilia at iba pang bleeding disorder ay iminumungkahi na ng Department of Health (DoH) na maisama ito sa PhilHealth coverage.

Ayon kay Health Usec. Vicente Belizario, makatutulong nang malaki sa treatment ng mga pasyenteng may bleeding disorders kung makokober ito ng PhilHealth, nais umano ng ahensiya na maisama sa Z Benefit package ang hemophilia, von Willebrand Disease at iba pang bleeding disorders, kabilang na rin ang mga seryosong sakit o mga karamdaman na itinuturing na life-long medical condition.

May 10,000 Pinoy ang apektado ng hemophilia, isang kondisyon kung saan hindi normal na nagco-clot ang dugo ng pasyente kaya naman sa simpleng sugat ay maaaring makaranas ng matinding pagdurugo, maari din na magkaroon ng bleeding sa mga joints at kung mapapabayaan ay maaaring magkaroon ng bleeding sa mga major organs nito, pangunahin na sa utak na maaaring agad na ikamatay, batay na rin sa datos ng World Hemophilia Federation.

Kada araw ay aabot sa P30,000 – P50,000 ang maaaring gastusin para lamang bigyang-lunas ang isang minor bleeding habang aabutin ng milyong piso kung ang pasyente ay magkakaroon ng pagdurugo sa kanyang tiyan o sa iba pang major organs.

Sinabi ni Hemophilia Association of the Philippines for Love and Service (HAPLOS) President Ric Felipe na marami sa mga nagkakasakit ng hemophilia ay maagang namamatay dahil hindi kayang tugunan ang gamutan.

Dagdag pa ni Felipe, may mga pagkakataon ding nagpabalik-balik ang isang pasyente sa ospital dahil hindi agad matukoy ang sakit nito.

Kapag matukoy naman aniya ay huli na ang lahat dahil malalang stage na ang hemophilia, ang ganitong sitwasyon umano ay dahil maraming hindi nakakaalam ng naturang sakit.

Para makatulong sa awareness ng mga bleeding disorders ay ginugunita ngayon ang World Hemophilia Day na may temang ‘Count Me In’ na naglalayong makalampag ang pamahalaan para mabigyang atensyon ang mga may ganitong uri ng sakit at para matukoy din ang mga mayroon nito at mabigyan ng kaukulang tulong.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Wix Facebook page
  • Instagram Social Icon
  • YouTube Social  Icon
  • Twitter Classic
bottom of page